anung silbi ng pamumundok kung umuulan naman???
nagpunta kong baguio nung byernes, para mag exam ng ielts...
anung nangyari??? hayun limang arwa din akong...
1. gininaw...
2. ninerbyos....
3. gininaw ulit!
4. hindi nakapaglaba dahil suuuubraaang lameeeg....
5. kaya tuloy ayun, gininaw na lang...
6. bumili pa talaga ng business attire para sa hinayupak na interbyu... pwede naman palang mag tsinelas na lang... haist!
7. nakakita ng mangga't bagoong (hmm, tsalap!) powtek nung nakita ko presyo.... 30pesos per each! awts!
8. syempre dahil malamig dun, masarap ang tuyo at sinangag... hanap ng tuyo... pucha, nung nakita ko 6pesos per each pieces! *paksheyt! dito samin piso lng isa...*dapat pala nagbaon na lang ako...*
maginaw na nga, naulan pa... handami kong gustong puntahan...
1. balak naming mag horseback riding sa kabayo... hindi natuloy. umuulan eh!
2. balak naming panikin ung groto, hindi natuloy... umuulan eh!
3. balak naming mamangka sa burnham, hindi natuloy... umuulan eh!
4. balak naming magpunta sa mines view para magwish sa wishing well... hindi natuloy... umuulan eh!
5. balak naming mag pictyur piktyur... nawalan na ng gana... panu nga wala namang kaming napuntahan...umuulan kasi eh!
kaya hayun, nakuntento na lang kami sa libreng wifi ng hotel veniz gamit ang psp... awts!
anung resulta ng exam ko? malalaman nyo... nobyembre abente uno...
sana pala nakipansol na lang ako sa mga kabobo... huhuhu...
Wednesday, November 12, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment