Monday, January 14, 2008

malaya...

naglandi na naman ang panahon...

kanina lang maaliwalas...
masaya...
payapa.
kanina lang nakangiti,
maganda, masaya...Walking_in_the_rain

nakita ko ang pagsikat ng araw...
narinig ko ang huni ng mga ibon.
naamoy ang halimuyak ng gumamela.
naramdaman ko ang hamog na dumampi
sa aking pisngi...
natikman ko ang tamis ng hangin...

pero muli kang sumagi sa isipan...
at naramdaman ko nanaman
ang ambon na para bang
nanunuya't nanghahamak.
narinig ang kulog na nagbabadya ng
kalungkutan...

at kasabay ng pagpatak ng ulan,
ang mga luhang akala ko'y natuyo na
ngayon ay muli kong pinapahid...
kasabay ng matalim na kidlat
ay ang alaala mong tila punyal
na sumusugat muli sa aking pagkatao...

oo! malayo ka na...
hindi na kita maarok.
diko na muli pang maririnig ang tinig mo...
diko na muli pang makikita
ang kislap ng mga mata mo...
dina muling ako'y tatawa ng dahil sayo...

hindi kita masisi...
ako ang unang lumayo.
ako ang unang sumuko.
dahil ba sa takot? o dahil sa pag-ibig?

sa mahabang panahon, ako'y nagtago...
narinig kita...tinawag mo ako.Floating_1
di ako lumingon. ayokong makita mo
ang mga luha ko...

ngayon, muling umuulan...
tumataas ang ilog...
bumabaha sa kalsada...

hiling ko lang sana...
sa pagtaas ng baha, at sa pag-agos ng ilog...
sumama na at maanod ang lahat
ng alaala nating dalawa...
at kasabay noon...

makita ko ang pagsikat ng araw...
marinig ko ang huni ng mga ibon.
maamoy ang halimuyak ng gumamela.
maramdaman ko ang hamog na dumadampi
sa aking pisngi...
matikman ko ang tamis ng hangin...

1 comment:

Verso para Libertad said...

makabagbag-damdamin!...ang galing mo sis...am proud of you. keep on sharing.