tagaktak ang pawis,
kumikirot ang kalamnan.
tustado ang balat,
nakayapak sa putikan...
inutang na punla,
buong giliw na inaaruga.
matiyagang magtatahip,
ibibilad, isisilid...
bawat sako'y katumbas
ng pangarap na di makamit.
habambuhay na maralita
silang mga nagtatanim...
silang mga nagpapakain
sa mga tulad ko at tulad mo rin.
buong buhay inilaan
upang ang lupa'y mapagyaman.
dumaan na ang maraming taon,
sa utang, di na makaahon.
uuwi sa bahay,
ang kisame'y inaanay.
matutulog ng di naghahapunan,
sa kumakalam na sikmura'y
walang mailaman.
bago pumutok ang araw,
babangon nang muli.
limang milya'y lalakarin.
pagdating sa kabayanan,
bawat sakong inani,
sa pamilihan babaratin.
Wednesday, April 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment