Monday, April 28, 2008

nais ko...

nais kong magsalita, ngunit wala na ang talata...
nais kong magsulat, ngunit wala na ang pluma...
nais kong umawit, ngunit wala na ang musika...

nais kitang makasama, ngunit panahon ko na...
nais ko pang mabuhay, ngunit wala na ang pag-asa...
nais ko pang magpatuloy, ngunit di na ako malaya...

nais ko pang lumaban, ngunit wala na ang katapangan...
nais ko pang magmahal, ngunit wala nang kinabukasan...
nais ko pang mabuhay, ngunit ang araw... ako'y di na muling sisikatan...


No comments: