kanina, nakaduty ako sa ER ng guimba district hospital dito samin sa nueva ecija. (para po sa kaalaman ng lahat, ang district hospital po ay isang ospital na itinayo ng gobyerno para sa mga mahihirap. charity hospital for short) 2 hrs. away po ang guimba from the nearest city - cabanatuan city. at dito po nagsimula ang kwento ko.
10:30 am: may isang taong dinala sa er. tawagin na lang natin syang pt.1 ang sakit nya pneumonia. madaling gamutin. pero mahal ang mga gamot. sa kasamaang palad, medyo malala na ung sakit niya, hirap nang huminga.
niresetahan namin ng pang-nebulize. nakabili naman, ang masama, biglang nag brownout sa ospital. walang generator. edi hindi magamit ung nebulizer.
sabi ng doktor, pwedeng ilipat sa cabanatuan si pt.1. merong ambulansya ang ospital pero sagot ng pasyente ang pang-gasolina. at dahil kapos nga sa pera, hindi na nailipat sa mas malaking ospital si pt.1.
after a few hours, naghihingalo na si pt.1. ang sabi ng doktor gamitin daw ung generator para mai-suction. (nagulat ako, kasi akala ko walang generator!) ang sabi ng isang nars, "dok, walang krudo ung generator" ang sagot ni dok: "walang krudo, o nagtitipid kayo?"
sa gobyerno kasi naggagaling ang pondo ng hospital, kaya as expected, kapos ang supplies...
============================================
12:00 nn: may isang baby na dinala sa hosp. 6mos. premature. sa bahay nanganak ung nanay, at ung bata na lang ang dinala sa hospital para "makatipid" sila.
dahil premature, kaylangan ilagay sa incubator ung bata. at dahil nga district hopital, walang incubator.
ang sabi ng doktor sa lola ng baby: "humihinga pa po ung bata, kaya lang papahina na ang tibok ng puso nya. kung lalagyan pa natin ng mga "aparato" ung katawan ng bata, mahihirapan lang sya."
=============================================
si pt.1 at si baby magkasunod na namatay kanina. ang dahilan? walang pera! kasalanan ba ng ospital? ng gobyerno?
kung ang isang mayamang tao ang nagkaroon ng pneumonia, siguradong gagaling sya dahil may pambili sya ng gamot.
kung ang isang mayaman nagka anak ng premature, hindi mamamatay ang baby dahil may pera silang pambayad sa malaking ospital.
napakababaw. pero ito ang realidad ng buhay. kung may pera ka, ligtas ka. kung mahirap ka lang, magtiis ka.
ganyan na ba talaga ngayon? may presyo na ang buhay ng tao? ikaw, MAGKANO ANG BUHAY MO?
No comments:
Post a Comment