Sunday, November 23, 2008
Tuesday, November 18, 2008
freaked-out whenever PABLO BANILA views your profile? read on!
By Bianca Consunji
Philippine Daily Inquirer
Last updated 01:03:00 11/15/2008
NO, he’s not a cyber-stalker. Or a group of psychology students doing a project. Or the government in disguise. Pablo Banila is a real person, but he’s not the crazy lowlife that people thought he was.
When the first Pablo Banila article came out in 2bU two weeks ago, we were swamped with hundreds of letters and blog comments from readers. The sentiments expressed in the mail were varied; they ranged from “Pablo Banila gives me the chills too,” to “He’s a psycho who not only views my Multiply site, but Friendster as well,” to “He’s actually a genius who was just misunderstood.”
Most of the readers were curious about his identity and wanted to know who he was, while a few thought an article about him was a waste of precious newspaper space. “Argh, you gave him more attention!” said a friend, wringing his hands. Another said, “Unbelievable, you made him famous! But in any case, he still gives off bad vibes and he’s still flooding my viewing history page with his gazillion accounts.” A blog reader was more blunt, saying, “Big deal. Slow news day?”
But in either case, Pablo Banila certainly caught your attention—and apparently, the article caught his too, because he e-mailed 2bU to give the real deal on his identity. He had explained his intentions in a UP Multiply blog at http://yoopee.multiply.com/journal/item/4805, but only a handful of internet users knew about it (compared to the millions of sites that he “visited”).
Pablo Banila—Paolo Bantolo in real life—has been called many names in the past couple of months, and a lot of them weren’t too nice. “Creepy” was the first thing that came to mind when Multiply and Friendster users first saw the avatar that showed a guy with matted chin-length hair and a sign that flashed, “Yes, Pablo Banila has a crush on you hahahaha! That’s why he viewed your homepage, cute nun!”
The reactions that the avatar elicited were interesting. Initially, people truly believed that the mysterious Pablo Banila had a crush on them, gender notwithstanding—until they visited his site and realized that they were duped.
“Before I opened up a guestbook, there were three general reactions from three kinds of people,” said Bantolo in an e-mail interview. “First, from the genuinely curious—people asking me if they do know me; in other words, people who did not bother reading my profile, the naked confession of everything I am.”
He added, “[The next were] from the genuinely infatuated—schoolgirls and baby boys telling me that I can be their boyfriend anytime! The rest were people with a sense of humor. Interestingly, most of my most passionate haters honestly believed that I had a crush on them until the grand opening of ‘Pablo Banila’s Never-ending Guestbook Party.’ [Then] they found out it wasn’t only them.”
The truth is, Pablo Banila never really visited every website where his avatar appeared—his bots did. An anonymous reader who identified himself as a retired hacker explained, “Pablo Banila actually is a programmer who uses a program called ‘web crawler.’ Web crawlers were originally used by search engines such as Google and Yahoo to automatically browse web pages on the internet. [This is done so they can] save the data on their database and make an index list of the web pages on the Internet.”
The reader added, “This is all done using a program. A program with a standard DSL connection can browse 10 sites every second, 600 sites every minute and 36,000 sites every hour—roughly 864,000 Multiply sites every day.”
Others who were already in the know admitted that he was a computer genius, if only slightly off his rocker. News that he came from top schools (Bantolo graduated from the Philippine Science High School and went on to study Computer Science at the University of the Philippines Diliman before transferring to New York University; he is currently a graduate student at California Riverside) only fueled the speculations about his being a crazy genius.
Others expressed their admiration and marveled at how he was able to pull off the scheme; others, like Multiply user “emocantbevanity” said, “He’s such a weirdo … why can’t he just get a life or something? Is he that much of a genius, that’s why he became a weirdo? Oh well, moral lesson—don’t be a genius and learn to socialize with other people so you wouldn’t become the country’s biggest weirdo!”
“I never thought of my viewing activity as stalking,” Bantolo said. “It was casual web surfing. What made the difference was my classic welcome message that penetrated the unawareness of the unspoken hope the viewing history promises in an avatar of a Lesbian in Shining Armor. I can honestly say that I wanted to meet new friends, and, ultimately, build a bridge of chance towards my one true love.”
According to Bantolo, he chose Multiply and Friendster “for the high demographic of Filipinos. And because I have not tried making new friends in other networks—but I will! Pretty soon!”
He added, “I wish I could click on millions of headshots for hours in a day, for that would’ve been like playing my favorite game, Counter-Strike; but that’s just impossible in my already inhumane schedule as a working student.”
And as for stalking—as soon as it was established that the only pages “Pablo Banila” visited were the homepages of the sites, which are essentially open to public viewing (as Multiply and Friendster have contacts-only lock options)—his viewing activities can hardly be counted as harassment.
Multiply user “agnestherese” said, “Pablo Banila is hardly a stalker. He only views homepages, not blogs or photos. I think that those who make such a big deal out of it, more specifically all the hate blogs, are self-centered or maybe just hurt when they found out that Pablo Banila has a crush on them … and everyone else.”
“Public domain is public domain,” Bantolo explained. “If they felt harassed in any way, it was because I kept exercising my right to view their public profile.” He further attributed the public’s fear and irritation to his “scarecrow headshot.”
He said, “People read about accusations, libel and death threats against me written on my guestbook. I am hated in exactly the same way other human beings discriminate against blacks, Muslims, and homosexuals.”
Bantolo added, “I performed the same routine using stereotypical images of innocence (young, attractive and female) at the same duration and received virtually no reaction.”
Actually, the entire issue is moot and academic, as “Pablo Banila” has already retired and given up his homepage-viewing days. But many users, unaware of what happened, remained in the dark for the past few weeks. As a final note, Bantolo quoted the California Penal Code’s definition of stalking:
Any person who willfully, maliciously, and repeatedly follows or harasses another person and makes a credible threat with the intent to place that person in reasonable fear for his or her safety is guilty of the crime of stalking.
“Credible threat” means a verbal or written threat, including that performed through the use of an electronic communication device.
He clarified, “I am not making a ‘credible threat’ nor do I intend to ‘place any person in reasonable fear for his or her safety.’”
Wednesday, November 12, 2008
rant.rant.rant...
nagpunta kong baguio nung byernes, para mag exam ng ielts...
anung nangyari??? hayun limang arwa din akong...
1. gininaw...
2. ninerbyos....
3. gininaw ulit!
4. hindi nakapaglaba dahil suuuubraaang lameeeg....
5. kaya tuloy ayun, gininaw na lang...
6. bumili pa talaga ng business attire para sa hinayupak na interbyu... pwede naman palang mag tsinelas na lang... haist!
7. nakakita ng mangga't bagoong (hmm, tsalap!) powtek nung nakita ko presyo.... 30pesos per each! awts!
8. syempre dahil malamig dun, masarap ang tuyo at sinangag... hanap ng tuyo... pucha, nung nakita ko 6pesos per each pieces! *paksheyt! dito samin piso lng isa...*dapat pala nagbaon na lang ako...*
maginaw na nga, naulan pa... handami kong gustong puntahan...
1. balak naming mag horseback riding sa kabayo... hindi natuloy. umuulan eh!
2. balak naming panikin ung groto, hindi natuloy... umuulan eh!
3. balak naming mamangka sa burnham, hindi natuloy... umuulan eh!
4. balak naming magpunta sa mines view para magwish sa wishing well... hindi natuloy... umuulan eh!
5. balak naming mag pictyur piktyur... nawalan na ng gana... panu nga wala namang kaming napuntahan...umuulan kasi eh!
kaya hayun, nakuntento na lang kami sa libreng wifi ng hotel veniz gamit ang psp... awts!
anung resulta ng exam ko? malalaman nyo... nobyembre abente uno...
sana pala nakipansol na lang ako sa mga kabobo... huhuhu...
Tuesday, October 21, 2008
SIGNS OF OVARIAN CANCER
|
Thursday, June 12, 2008
isang dekada na ang gubat...
sampung taon na ang bobongpinoy...
sampung taon ka nang nakaukit sa puso at diwa ng mga hayup sa gubat.
salamat sa paggising sa amin.
salamat sa paghatak samin sa katotohanan.
salamat...
salamat...
salamat...
Monday, May 12, 2008
SAVE OUR LOVE
from the clutches of melancholy...
became my refuge and my shield.
Redeemed me
from the darkest and deepest gloom where i sat,
like a prisoner suffering from iron chains.
We have found each other's hearts
beating so fast, singing one song...
sealed with love.
Eagles came and swooped you...
streams of tears flowed from my eyes.
We have suffered much
we have strayed like lost sheeps...
Behold, don't let our hopes be rashed.
Seek where does our love goes...
for i have not forgotten our promises...
Save it... before it clings
to
D
U
S
T...
Wednesday, April 30, 2008
ang magsasaka...
kumikirot ang kalamnan.
tustado ang balat,
nakayapak sa putikan...
inutang na punla,
buong giliw na inaaruga.
matiyagang magtatahip,
ibibilad, isisilid...
bawat sako'y katumbas
ng pangarap na di makamit.
habambuhay na maralita
silang mga nagtatanim...
silang mga nagpapakain
sa mga tulad ko at tulad mo rin.
buong buhay inilaan
upang ang lupa'y mapagyaman.
dumaan na ang maraming taon,
sa utang, di na makaahon.
uuwi sa bahay,
ang kisame'y inaanay.
matutulog ng di naghahapunan,
sa kumakalam na sikmura'y
walang mailaman.
bago pumutok ang araw,
babangon nang muli.
limang milya'y lalakarin.
pagdating sa kabayanan,
bawat sakong inani,
sa pamilihan babaratin.
Monday, April 28, 2008
nais ko...
nais kong magsulat, ngunit wala na ang pluma...
nais kong umawit, ngunit wala na ang musika...
nais kitang makasama, ngunit panahon ko na...
nais ko pang mabuhay, ngunit wala na ang pag-asa...
nais ko pang magpatuloy, ngunit di na ako malaya...
nais ko pang mabuhay, ngunit ang araw... ako'y di na muling sisikatan...
Sunday, April 20, 2008
Akda ng Isang BOBONG Nagpapanggap na Makata...
ang aking gagawin sa pagpasok ko sa grupong ito.
Ngunit ako'y nagkamali.
Ninerbiyos ako at nagtangkang umatras
at wag nang makisali sa mga talakayang
mukang diko kayang sabayan.
Ganun pa man, sinabi ko sa sarili ko na magtiwala
sa aking natutunan sa loob ng pamantasan,
sa patuloy na pagmamasid sa ating kapaligiran
at sa aking mga karanasan.
Sapat na ika ko ang mga bagay na iyon
upang maiparinig ko rin ang aking boses
at maipamahagi ang aking mga damdamin.
Nagsimula akong maging isang ganap na kaBOBO.
Sa hinaba-haba ng panahon,
napakarami na naming napag-daanan.
Tinalakay na namin ang halos lahat;
ang ating gobyernong binabalakubak dahil sa politika,
ang likas na yaman na binababoy ng mga maharlika,
ang ekonomiyang nalolosyang,
ang nagmumutang pamahalaan...
ang kalampahan ng mga akademya.
Masarap palagi ang aming usapan.
Madalas, tila kami mga sinaniban ng kung anong espiritu ng katapangan.
Kami at ang mga kataga naming nakakahon sa apat na sulok ng computer monitor.
Oo, nakakahon kami, ngunit hindi ang aming mga ideya't pag-iisip.
Malayo parati ang aming nararating.
Sa pamamagitan ng PAGSUSULAT,
pinapasok at sinasalat namin maging ang mga pinaka sensitibong isyu.
Minsan, nakakapasong makisabay.
Subalit lahat sila ay parating sumusugal,
kaya nakisugal na rin ako.
Ikinalat ko ang bawat himaymay ng aking pagkatao...
ang bawat hibla ng prinsipyong niyakap ko.
PAGSUSULAT ang naging paraan namin upang magkaisa.
PAGSUSULAT ang naging paraan namin upang magkakila-kilala.
PAGSUSULAT ang nagbuklod sa amin upang maging isang pamilya.
Nagsimulang mamuo ang ulap ng bigla KANG magpakita.
Tila mga along nagsasalpukan ang mga kataga MONG binitawan.
Nagkunwari ako na ang mga pasaring mo'y pagbibiro lamang.
Naisip ko na huhupa ka rin. Matatauhan.
Ngunit hindi. Tinapakan mo ang aking
mga akdang ipinabasa nila sayo.
Kinuwestyon mo ang adhikain ng aming grupo.
Para sayo, tapos na ang produkto.
Nasalat mo na't dika nasiyahan.
Para sa iyo'y isa lamang iyong retaso.
Basahang gusto mong ibasura.
Bumalumbon ang maitim na ulap sa ating pagitan.
Hinugot ko ang natitira ko pang pasensya
upang hawiin ang kadiliman, subalit natigilan ako.
Hindi ko alam kung saan mo sinasalok ang katuwiran mo.
Baguhan ka pa lamang. Bagito ka pa at ako'y matagal na dito.
Ipinaalala ko sayo ang pagiging sibilisado.
Bawat opinyon ika ko'y dapat mong irespeto.
Ngunit tila tirador na bumalik sa akin ang aking mga tinuran.
Sa iyong opinyon kamo'y kami'y mga nakikipag-utuan.
Kumaripas ng ilang milya ang aking alaala.
Ang mga katulad mo rin noon na nang-uyam sa samahang ito.
Ang mga nagparatang samin na kami raw ay mga BOBO.
Nababagay ika mo samin ang bansag na ito.
Personalan na ang laban. Prinsipyo laban sa prinsipyo.
Nais lang namin na makatulong at gumawa ng kabutihan.
Na ipakita sa lahat na buhay parin
kaming mga kabataang pag-asa ng bayan.
Na sa kabila ng kahirapan at kaguluhan,
kami'y mayroon paring silbi sa lipunan.
Parte KA ng kabataang nabanggit ko.
Mabigat ang tungkuling nakaatang sa iyong mga balikat.
Kaya't dina kita masisisi kung maduduwag ka
at masisiyahan na lamang sa
ganyang estado mo ng pag-iisip at katuwiran.
Kung magkaganoon, dika dapat kainisan...
Dapat ka naming KAAWAAN!
*****************************************
Jemimah James B. Mendoza, R.N.
Saturday, January 19, 2008
MAGKANO ANG BUHAY MO?
kanina, nakaduty ako sa ER ng guimba district hospital dito samin sa nueva ecija. (para po sa kaalaman ng lahat, ang district hospital po ay isang ospital na itinayo ng gobyerno para sa mga mahihirap. charity hospital for short) 2 hrs. away po ang guimba from the nearest city - cabanatuan city. at dito po nagsimula ang kwento ko.
10:30 am: may isang taong dinala sa er. tawagin na lang natin syang pt.1 ang sakit nya pneumonia. madaling gamutin. pero mahal ang mga gamot. sa kasamaang palad, medyo malala na ung sakit niya, hirap nang huminga.
niresetahan namin ng pang-nebulize. nakabili naman, ang masama, biglang nag brownout sa ospital. walang generator. edi hindi magamit ung nebulizer.
sabi ng doktor, pwedeng ilipat sa cabanatuan si pt.1. merong ambulansya ang ospital pero sagot ng pasyente ang pang-gasolina. at dahil kapos nga sa pera, hindi na nailipat sa mas malaking ospital si pt.1.
after a few hours, naghihingalo na si pt.1. ang sabi ng doktor gamitin daw ung generator para mai-suction. (nagulat ako, kasi akala ko walang generator!) ang sabi ng isang nars, "dok, walang krudo ung generator" ang sagot ni dok: "walang krudo, o nagtitipid kayo?"
sa gobyerno kasi naggagaling ang pondo ng hospital, kaya as expected, kapos ang supplies...
============================================
12:00 nn: may isang baby na dinala sa hosp. 6mos. premature. sa bahay nanganak ung nanay, at ung bata na lang ang dinala sa hospital para "makatipid" sila.
dahil premature, kaylangan ilagay sa incubator ung bata. at dahil nga district hopital, walang incubator.
ang sabi ng doktor sa lola ng baby: "humihinga pa po ung bata, kaya lang papahina na ang tibok ng puso nya. kung lalagyan pa natin ng mga "aparato" ung katawan ng bata, mahihirapan lang sya."
=============================================
si pt.1 at si baby magkasunod na namatay kanina. ang dahilan? walang pera! kasalanan ba ng ospital? ng gobyerno?
kung ang isang mayamang tao ang nagkaroon ng pneumonia, siguradong gagaling sya dahil may pambili sya ng gamot.
kung ang isang mayaman nagka anak ng premature, hindi mamamatay ang baby dahil may pera silang pambayad sa malaking ospital.
napakababaw. pero ito ang realidad ng buhay. kung may pera ka, ligtas ka. kung mahirap ka lang, magtiis ka.
ganyan na ba talaga ngayon? may presyo na ang buhay ng tao? ikaw, MAGKANO ANG BUHAY MO?
Monday, January 14, 2008
at last...
as i walk across the street
with my head bowed low,
the clouds above turned dark,
and covered the sun's glow
across the street i walked on
oblivious of the eyes staring at me.
for i have no shoes...
who cares about shoes? i asked myself
who cares if my soles are bleeding,
when the sound of his voice is all i'm hearing?
i moved away from the street
and into the sidewalk
onto the grass i stepped,
just as the wind started to blow...
just as the leaves started to fall...
i stopped and looked around
and felt that familiar chill
my body felt weak, my mind went numb...
just like old times, whenever i feel his touch...
long gone were the days
when i can dance with him in the rain...
now all i have are mem'ries drenched in pain.
memories that almost drove me insane...
i pushed him away, thinking it'd make him stay,
apologies were made, a lifetime too late.
i wanted him back,
but i was contradicted by fate...
a long, long time ago,
i cared for no one but him...
a long time ago,
i cried myself to sleep.
but i know better now,
know what must be done.
for holding on is futile,
and letting go, a must...
gathered all my courage,
tried to hold back the tears.
told myself to move on,
and face all my fears.
and so, for the last time
i bid him goodbye.
he just stood there
looked as though he wanted to cry...
"you've hurt me enough", i said to him
now i must go back,
to where my life begins...
goodbye, goodbye...
now i can look at you in the eye.
take everything with you,
i'll even give you my shoe...
never again...
will i wait for you in vain.
never again...
will i ever cry in the rain...
bobongpinoy: ISTORYA NG PUTA
Whoever wrote this brilliant piece should be commended. Save for some
"brutal" terms (which I think is just necessary), this one is worthwhile
to read.....
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit,
binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa
aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga
alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Ang hirap pag
lahat sa iyo virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila
ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila
taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang
namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako. Sa tatlong beses akong
nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko
ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Tinulungan nya kasi
akong makalimutan yung mga sadistang Hapon. Kase, ibang-iba ang hagod
niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya
ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang
mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates,
yosi, ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya
lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan
mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa
tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. 'Yun nga
lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa
buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko
napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin,
yun pala unti-unti niya akong pinapatay. P*** ng I**! Sa dami ng lason
na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming
nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga
anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na
kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na
lubog pa kami sa utang, kulang ata pati kaluluwa namin para
ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang
buhay namin. Ayun, mga nasa
Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe.
'Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya
daw sa piling ko, maski amoy usok ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin,
siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayaman
na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating
ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap
dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inaakala ay
mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin
na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa
mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga.
Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta
at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa
dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman
kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta
maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko.
May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang
magandang tulad ko.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga
ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano
na lang ang mga anak ko naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako
balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante
kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga
anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila. Sa tuwing
titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang
bilib sa akin. Napapag usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha
ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang
mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko,
namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin.
Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang
nararamdaman para sa akin. Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may
malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw. Ni di nga ako
kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa't isa. Walang gusto
magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko ng pasakit na tiniis pero
walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin.
Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng
buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala
sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko.
Isang buwan pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating.
Ngayon pa lang usap usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga
anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako.
Gusto kong isigaw:
"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!"
Sige, dumadrama na ako. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha,
pinakinggan mo ako.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.
malaya...
kanina lang maaliwalas...
masaya...
payapa.
kanina lang nakangiti,
maganda, masaya...
nakita ko ang pagsikat ng araw...
narinig ko ang huni ng mga ibon.
naamoy ang halimuyak ng gumamela.
naramdaman ko ang hamog na dumampi
sa aking pisngi...
natikman ko ang tamis ng hangin...
pero muli kang sumagi sa isipan...
at naramdaman ko nanaman
ang ambon na para bang
nanunuya't nanghahamak.
narinig ang kulog na nagbabadya ng
kalungkutan...
at kasabay ng pagpatak ng ulan,
ang mga luhang akala ko'y natuyo na
ngayon ay muli kong pinapahid...
kasabay ng matalim na kidlat
ay ang alaala mong tila punyal
na sumusugat muli sa aking pagkatao...
oo! malayo ka na...
hindi na kita maarok.
diko na muli pang maririnig ang tinig mo...
diko na muli pang makikita
ang kislap ng mga mata mo...
dina muling ako'y tatawa ng dahil sayo...
hindi kita masisi...
ako ang unang lumayo.
ako ang unang sumuko.
dahil ba sa takot? o dahil sa pag-ibig?
sa mahabang panahon, ako'y nagtago...
narinig kita...tinawag mo ako.
di ako lumingon. ayokong makita mo
ang mga luha ko...
ngayon, muling umuulan...
tumataas ang ilog...
bumabaha sa kalsada...
hiling ko lang sana...
sa pagtaas ng baha, at sa pag-agos ng ilog...
sumama na at maanod ang lahat
ng alaala nating dalawa...
at kasabay noon...
makita ko ang pagsikat ng araw...
marinig ko ang huni ng mga ibon.
maamoy ang halimuyak ng gumamela.
maramdaman ko ang hamog na dumadampi
sa aking pisngi...
matikman ko ang tamis ng hangin...
bobongpinoy: KAPAYAPAAN NOONG WALA PANG KAUNLARAN
Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN...
Si Nanay ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan; Walang mga
bakod
at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang; 10
sentimos o
diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo. Mataas ang
paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a: Di
binibili ang
tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa
tumana;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya
malaking
kahihiyan kapag bagsak ka sa exams; Simple lang ang pangarap:
makatapos,
makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala
namang lock
ang mga jeep na Willy's noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-
trakan (gawa
sa rosebowl ang katawan at darigold na maliit ang mga
gulong, "sketeng"
(scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako
para sa
preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna
para
suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok,
boca-boca,
borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga
iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: laste, gagamba, turumpo,
tatsing ng
lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-
kahon
yon!)
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli ng tutubi,
nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging
dahil sa
kulugo;
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal
ang pundiya ng karsonsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. .
di ba
minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik...
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap,
maraming
addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero
ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong
mapahamak o
mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone. Noong wala pang
mga
drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon ... Doon ...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang
buwan; Ang
pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag
nanonood
ka ng nakakatakot sa "Mga Aninong Gumagalaw"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na kabisado natin,
kasi wala
namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa
kama;
Pagtikwas o pagtitimba sa poso; pingga ang pang-igib ng lalake at
may dikin
naman ang ulo ng babae;
Inaasbaran ng mga suberbiyo;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton sa pwet para
hindi
masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-
bahayan
na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang
sumakit ang
tiyan;
Meron pa bang himbabao, kulitis at pongapong? O kaya ang lukaok,
susuwi at
espada?
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...Estigo santo
kapag
nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa "berdugo" at
sa "kapre";
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni itay kasi may tinola!
Yung crush
mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay-alembong, taeng-kabayo
o
biscocho?
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing)
o kaya
nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba, mas masaya kung inuyat;
Puriko
ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos na ang hininga mo sa
ihip kasi
mahirap magparikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas sa pagitan ng
daliri para
sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo;
ang duhat
kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng
kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog; Sakang ang lakad mo
at
nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi
tinagusan
ang palda mo sa eskwelahan. Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit; Naglululon ka ng
banig
pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang
manggas
ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng
sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan; May pakiling kang dala kung
Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba? Wala nang sasaya at gaganda pa sa
panahon
na yon...Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala
iyon...
Di ba noon ...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang
ito?
Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the
carabao
batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya
na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti; Nauubos ang oras
natin
sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa; Naaasar ka kapag
marami
kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng
taya sa
holen. Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang
tinatawag natin pag napapa-trouble tayo. Di natutulog si Inay,
nagbabantay
pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at
pahihigupin ng mainit na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!
ANG MAHADERANG MATAPOBRE SA OFWS...
7rw3.swf
Key Statements in Malu Fernandez
Article
1.) However I forgot that the hub was
in Dubai and the majority of the OFWs
(overseas Filipino workers) were
stationed there. The duty-free shop
was overrun with Filipino workers
selling cell phones and perfume.
Meanwhile, I wanted to slash my wrist
at the thought of being trapped in a
plane with all of them.
2.) While I was on the plane (where
the seats were so small I had bruises
on my legs), my only consolation was
the entertainment on the small flat
screen in front of me. But it was
busted, so I heaved a sigh, popped my
sleeping pills and dozed off to the
sounds of gum chewing and endless
yelling of HOY! Kumusta ka na? At
taga sann ka? Domestic helper ka rin
ba? Translation: Hey there? Where
are you from? Are you a domestic
helper as well? I though I had died
and God had sent me to my very own
private hell.
3.)On my way back, I had to bravely
take the economy flight once more.
This time I had already resigned
myself to being trapped like a sardine
in a sardine can with all these OFWs
smelling of AXE and Charlie cologne
while Jo Malone evaporated into thin
air.
All in all, its been a pretty good
summer. Jetting from the Aegean Sea to
the Pacific may sound a bit
pretentious until you wake up in
economy class smelling like air
freshener.
Post your comments here :
http://www.tingog.com/social-
concerns/malu-fernandez-people-asia-
article-controversy-manila-standard-
columnist.html
Malu Fernandez should never get
away with this!!
*************************************
it is not in my nature to wish
something bad to happen to someone.
pero nung mabasa ko ung buong article
nya, gusto kong hanapin sya sabay
sigaw ng CRUCIO!!!
kapag ang isang dayuhan, nagbigay ng
masamang komento tungkol sa isang
pilipino, o sa pilipinas mismo,
malamang away at gulo ang mapala nya
natural yun eh. sino ba naman ang may
gustong mapintasan?
pero kapag KAPWA MO PILIPINO ang hindi
lang nagkomento, kundi
IPINANGALANDAKAN pa sa BUONG MUNDO ang
MALA-ELETISTANG PAGTAPAK AT PANLALAIT
NYA SA kapwa nya pilipino, no word is
harsh enough to describe how that
feels..
ang mga tulad ni malu fernandez ang
isa sa mga dahilan kung bakit, aminin
man natin o hindi, marami pa rin ang
mabababa ang tingin sa ating mga
pilipino, especially the OFWs.
OFWS - mga bayaning nagsasakripisyong
malayo sa kanilang mga mahal sa buhay,
at nagpapaalipin sa mga dayuhang ni
hindi nila kaanu-ano para lang may
mailaman sa kumakalam na sikmura ng
kanilang pamilya.
bayani ang tingin ng marami sa atin sa
kanila kaya naman WALANG KARAPATAN
ang kahit na sino para laitin at
balahurain ang mga taong ito na
naghahanapbuhay at namumuhunan ng
dugot pawis para sa kinabukasan ng
mga iniwan nila dito sa pilipinas.
malu fernandez - sino ba sya sa tingin
nya? the way i see it, (after seeing
her pictures) SHES JUST A PIG WRAPPED
IN DESIGNER CLOTHES!
nakakalungkot isipin na nagbuwis ng
buhay ang mga tulad ni rizal at ni
bonifacio para lang magkaroon ng
kalayaan ang mga katulad nya - mga
WALANG KWENTANG TAO na nagpupumilit
takasan ang katotohanang silay
nagmula sa mababahot amoy pawis na
INDIO. na sa mga ugat nilay dumadaloy
parin ang dugong pilipinong pilit
nilang ikinukubli sa pamamagitan ng
pagyayabang na marami silang pera
malu fernandez - kung hindi mo kayang
makihalubilo sa mga pilipinong sa
economy class lang sumasakay at sa
duty free lang nagtatrabaho mas
lalong hindi ko masikmura na ang isang
nilalang na katulad mo ay matatawag
pang pilipino.
sana sa susunod na maglibot ka, dun ka
sa albay magpunta at ngayon pa lang,
ipagdarasal ko na sa mga anito na
BUMUKAS ANG BUNGANGA NG BULKANG MAYON
AT LAMUNIN KA NG BUONG-BUO!!!
go, get going!
of waiting for something that's NEVER gonna happen.
of wanting something that'll NEVER be mine.
of asking for something that I know you will NEVER give.
of convincing myself that you will NEVER forget me.
of crying over the things that I can NEVER take back.
of waiting under the rain.
of living my life backwards.
you have caused me so much pain. just go and get ON WITH YOUR LIFE... and i'll do the same. i just hope that we'll NEVER cross paths again...
let it rain
looking back,
bobongpinoy: PINOY KA NGA!!!
ipinasa lang sa akin ito. maaaring ang iba sa inyo ay nabasa na
ang ang lathalaing ito.
while i don't actually know the author, but i think he/she makes
sense.
gising gising! galaw-galaw! para sa Pilipinas.
PILIPINO.... .Ikaw ba'to?
Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang
pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan
ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.
Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.
E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?
Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.
Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na
maipagmamalaki sa mundo.
Sa Singapore, Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.
Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.
Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road
(parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi.
Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung
napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant.
Sa Singapore, wala KAng sinasabi, meron ba?
Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa
Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng
telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance
na tawag mo.
Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa
Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat
ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?
Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad
ng ginagawa sa Recto?
Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.
IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa
pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang
banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa
Pilipinas?
Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon
ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay
pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang
pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga
kalye.
Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing
makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"
Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang
pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan.
Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.
Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon
ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad.
Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na
gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.
Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo
titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo
pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.
Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging
tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas
ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy
naman nating ginagawa ang mga ito.
Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa,
naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin
Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating
sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.
Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang
karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa,
samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa
pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at
responsibilidad ng isang magulang.
Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang
magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"
E sino ang magbabago ng sistema?
Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang
sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang
syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW
at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa
sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa
loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong
mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at
maghatid na mga himala.
O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik
ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa
kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging
masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag
nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa
susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa
Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.
Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na
handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera. Mga
mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng
isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din
sa konsyensya. Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga
salita ni John F. Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating
mga Pilipino:
"Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang
Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad
ng Amerika at ibang kanlurang bansa ngayon."
Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.
__._,_.___